When a comrade asked, "Leonidas, are you here to take such a hazardous risk with so few men against so many?" Leonidas replied: "If you men think that I rely on numbers, then all Greece is not sufficient, for it is but a small fraction of their numbers; but if on men's valor, then this number will do."
Sabado, Marso 30, 2019
Luksang parangal kay Kasamang Kulot
LUKSANG PARANGAL KAY KASAMANG KULOT
sa lahat, ang pagbati ko'y mapulang araw
si kasamang Doreen man ngayon ay pumanaw
kami'y hanga sa kanya't malayo ang tanaw
magaling na lider, malalim ang pananaw
tunay na magiting na lider-maralita
pinagkaisa ang mga kasama't dukha
masipag kumilos, siya'y laging may kusa
tunay ngang kawalan ang kanyang pagkawala
kasama siya sa mga rali't pagkilos
nilaban ang karapatan ng kapwa kapos
at upang pamumuhay ay maging maayos
tunay na kasamang nakibaka ng lubos
kanyang pinaglaban ang usaping pabahay
at para rin sa makataong pamumuhay
sa buong samahan, siya'y lider at nanay
kay ka Doreen, taas-kamaong pagpupugay
- gregbituinjr.
- nilikha at binasa sa Luksang Parangal na idinaos ng KPML-NCRR para kay kasamang Doreen Mendoza, na pangulo ng NMKPI, Marso 29, 2019, sa Tulos, Dagat-Dagatan, Caloocan City
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagninilay at pagsusulat
PAGNINILAY AT PAGSUSULAT ngayon pa lang nagsisimula ang gabi sa akin matapos ang maghapong pagninilay sa usapin ano nga bang nasa dako roon ...
-
DI MAKAPUNTA SA BARAPTASAN iniiyakan ng loob kong di makararating sa BaRapTasan sa Luneta, ikatlo ng hapon sapagkat madaling araw pa lam...
-
Pinakapahinga ko sa trabaho ang pagtula pinakapahinga ko sa trabaho ang pagtula sa maghapong paggawa'y pahinga na ang pagkatha magninila...
-
Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsinta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento