KAPITALISMO'Y KAILAN BA NILA IBABAGSAK?
patuloy na pinipiga nitong kapitalismo
ang lakas-paggawa ng masisipag na obrero
tuwang-tuwa't limpak na tubo'y iaakyat nito
nang kamtin daw ng kumpanya ang tunay na progreso
sa historya, obrero'y mga sahurang alipin
na pag di raw sila gumawa'y walang kakainin
dapat bumalik bukas upang trabaho'y tapusin
magkayod-kalabaw sila hanggang ang kota'y kamtin
di mabayarang-tama ang lakas-paggawa nila
kumakayod sa ilalim ng bulok na sistema
di pa makita ng obrerong binubuhay pala
nila'y mga tuso't halimaw na kapitalista
kailan malalamang sila'y aliping sahuran
hirap na hirap na'y di masabing nahihirapan
pagkakaisa ng uring manggagawa'y kailan
sa ganid na kapitalismo'y kailan lalaban
dapat mabatid nilang kapitalismo'y bulagsak
tinuturing ang obrero'y makina't mga tunggak
mababa ang sahod, kapitalista'y naninindak
kapitalismo'y kailan ba nila ibabagsak?
- gregbituinjr.
When a comrade asked, "Leonidas, are you here to take such a hazardous risk with so few men against so many?" Leonidas replied: "If you men think that I rely on numbers, then all Greece is not sufficient, for it is but a small fraction of their numbers; but if on men's valor, then this number will do."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ayaw natin sa lesser of two evils
AYAW NATIN SA LESSER OF TWO EVILS bakit papipiliin ang bayan sa sabi nga'y "Lesser of Two Evils" isa ba sa dalawang demonyo a...
-
DALAWANG AKLAT NA PUMAPAKSA SA KALUSUGAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Pagkagaling ko sa ospital kanina nang dinalaw k...
-
GURO AT MAESTRO tila may gender ang kaibahan ng guro't maestro, kainaman nang makita sa palaisipan bagamat dapat ay wala naman walang ge...
-
FREE! FREE PALESTINE! "Mula ilog hanggang dagat lalaya rin ang Palestine!" panawagan itong sukat niyong laya ang mithiin ang lupa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento