Martes, Agosto 13, 2019

Pagpupugay kay Ka Fidel Castro

PAGPUPUGAY KAY KA FIDEL CASTRO
(Agosto 13, 1926 - Nobyembre 25, 2016)

O, Ka Fidel, tagumpay n'yo'y tunay na inspirasyon
sa tulad naming naghahangad din ng rebolusyon
naipanalo n'yo'y kasaysayan na ng kahapon
na mapaghahalawan ng mabuting aral ngayon

nabigo man kayo sa pagsalakay sa Moncada
iyon na ang senyales upang mamulat ang masa
dinakip kayo't kinulong ng rehimeng Batista
lumaya dahil sa matagumpay mong pagdepensa

di nagtagumpay ang U.S. sa anumang blokeyo
kahit limang dekadang blokeyo'y nabuhay kayo!
Cuba'y di napayuko ng mga Amerikano
ang Cuba'y matatag sa harap ng kalaban nito!

di natibag ng Kano ang pamumuno ni Fidel
sa higit limang dekada, ang Cuba'y di napigil
sosyalistang sistema'y patuloy, di tumitigil
taas-kamaong pagpupugay kay kasamang Fidel

- gregbituinjr.

* kinatha ang tula sa panayam-talakayan na "Celebrating Moncada, Remembering Fidel" ng Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (PhilCuba), Agosto 13, 2019, na ginanap sa LEARN Workers House, Delgado St., Quezon City

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagsulat ng nadalumat

PAGSULAT NG NADALUMAT laging abala ang aking diwa nakaraan ay sinasariwa kasalukuyan ay pulutgata hinaharap ay bagong simula paano babasahin...