PALABAN ANG AKTIBISTA
“Kaysa isang katawang malaya na may kaluluwang alipin, ibig ko pa ng isang katawang busabos na may kaluluwang malaya.” – Lázaro Francisco (1898-1980)
palaban tulad ni Spartacus ang aktibista
nagsasakripisyo man, tuloy sa pakikibaka
kaysa obrerong di mulat sa loob ng pabrika
na para sa sweldo'y alipin ng kapitalista
may mukhang malaya ngunit diwa pala'y alipin
di maisip na nambubusabos ay palayasin
may kayod-kalabaw subalit nagsusuri na rin
kung paanong bayang sawi'y kanilang palayain
tinatahak ng aktibista'y bihirang daanan
pagkat pagbabagong mithi'y madawag na larangan
pagkat pakikibaka'y masalimuot na daan
pagkat ang tinatahak ay maputik na lansangan
di dapat maging alipin ang isip, puso't gawa
kundi makibaka tayo patungo sa paglaya
- gregbituinjr.
When a comrade asked, "Leonidas, are you here to take such a hazardous risk with so few men against so many?" Leonidas replied: "If you men think that I rely on numbers, then all Greece is not sufficient, for it is but a small fraction of their numbers; but if on men's valor, then this number will do."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pasaring
PASARING may pasaring muli ang komikero hinggil sa senaTONG na nakakulong di raw magtatagal sa kalaboso dahil sa kaytinding agimat niyon aba...
-
PAGLAHOK SA RALI bakit di ka pupunta sa rali? dahil lang wala kang pamasahe? kung ako, sisimulang maglakad nang makarating at mailadlad ang ...
-
AI CHATBOX, DAHILAN NG SUICICE? (PANGSIYAM SA BALITANG NAGPATIWAKAL) Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Ikasiyam na balitan...
-
BUTI'T MAY TIBUYÔ kulang ang pamasahe kahapon mula Cubao patungong Malabon upang daluhan ang isang pulong buti't nagawang paraan iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento