ani misis, itago ko lang daw ang mga tula
upang may mahuhugot kung magpapasa ng akda
ngunit karamiha'y tulang pulitikal ang likha
di pampasa sa paligsahan ang mga kinatha
kaya mga katha sa blog ko'y agad nilalagay
upang di mawala ang likhang aking napagnilay
upang balang araw, sakaling ako na'y mamatay
ang mga tula ko'y nariyan kahit nasa lumbay
salamat sakaling may magtitipon nitong tula
lalo't inaadhika niyang ito'y malathala
bilang makapal na aklat ng hininga ko't diwa
bilang librong mula sa puso ng abang makata
kaya tula'y paanong sa baul lang itatago
kung aanayin lang ito't ako'y masisiphayo
mabuting malagay sa blog bago ito maglaho
hayaang ibang henerasyon yaong makatagpo
- gregbituinjr.
When a comrade asked, "Leonidas, are you here to take such a hazardous risk with so few men against so many?" Leonidas replied: "If you men think that I rely on numbers, then all Greece is not sufficient, for it is but a small fraction of their numbers; but if on men's valor, then this number will do."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nasisilaw sa ilaw
NASISILAW SA ILAW nagtakip si alaga ng kamay habang natutulog ng mahimbing marahil nasisilaw sa ilaw kaya kamay ay ipinantabing mamaya, ako...

-
Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsinta...
-
ANG NATANGGAL NA 19 NA TULA SA BAGONG EDISYON NG JOSE CORAZON DE JESUS: MGA PILING TULA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. ...
-
ANG AKLAT NG MGA KWENTO NI MANUEL ARGUILLA Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi na ako nagdalawang isip na bilhin ang ak...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento