Huwebes, Abril 16, 2020

Munting payo para sa kapaligiran

Munting payo para sa kapaligiran

paghiwalayin mo ang basura
sa di mabulok, nabubulok na
bote, plastik at lata sa isa
ang di nabubulok, mabebenta

dahong tuyo at pagkaing panis
ibaon sa lupa't di magtiis
sa amoy, paligid na malinis
ay kayganda, di na maiinis

disiplinahin din ang sarili
pamilya, kaibigan, kaklase
itapon lang ang balat ng kendi
sa basurahan at di sa kalye

ito'y munting payo, kababayan
bansa'y ituring nating tahanan
nang luminis ang kapaligiran
huwag itong gawing basurahan

- gregbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulâ 1 sa bisperas ng National Poetry Day

TULÂ 1 SA BISPERAS NG NATIONAL POETRY DAY  akala ko'y makabibigkas ng tulâ kanina kayâ kay-aga ko, subalit hindi naman pala baka nakalim...