Huwebes, Abril 23, 2020

Soneto: Kapit sa Patalim

Soneto: Kapit sa Patalim

Kwarantina'y higit isang buwan na, walang kita
Ano na bang dapat gawin, tutunganga na lang ba?
Paano na kami kung patuloy ang kwarantina?
Inipong pera'y ubos na, tibuyo'y bubuksan na?

Tibuyo'y may kaunting barya, walang limang daan
Saan ito aabot kung lockdown pa'y isang buwan?
Ang hirap ng baon sa utang na di mabayaran
Pati yata puri'y baka maibentang tuluyan.

Alalay mula sa gobyerno'y sadya namang kapos
Tunay na sa sampung milyong tao, ayuda'y ubos
Ang daming kakapit sa patalim, walang panustos
Lumalalang sitwasyon ba'y kailan matatapos?

Isiping maigi ang solusyon at magmadali
Magbayanihan tayo'y nawa'y wala nang masawi.

- gregbituinjr.
04.23.2020

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa laban lang tutumba kaming tibak na Spartan

SA LABAN LANG TUTUMBA KAMING TIBAK NA SPARTAN isang inspirasyon ang Spartan na si Eurytus di ang duwag na Spartan na si Aristodemus ginawa n...