minsan, matutulog na lang akong gutom na gutom
may pagkain man, pipikit na akong nakakuyom
ang kamao, may alalahanin, bibig ko'y tikom
tutulog ng mahimbing, walang kain, walang inom
paano ka ba makakakain kung walang sigla
ang matamis na sorbetes, lasahan mo't mapakla
sugat-sugat ang damdamin pag dama'y walang-wala
ito'y itulog na lang at baka mabalewala
sa panahon ng kwarantina'y walang mapasukan
maging frontliner lang sana'y nakatulong sa bayan
gawa ko'y magsulat ng mga isyung panlipunan
ngunit bisyo kong pagtula'y di mapagkakitaan
matutulog akong gutom kahit may makakain
habang nakabara'y pulos tinik sa saloobin
tititig sa ulap, magninilay, anong gagawin
matulog na muna't baka gumaan ang damdamin
- gregbituinjr.
When a comrade asked, "Leonidas, are you here to take such a hazardous risk with so few men against so many?" Leonidas replied: "If you men think that I rely on numbers, then all Greece is not sufficient, for it is but a small fraction of their numbers; but if on men's valor, then this number will do."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
SA 4TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 nagpapatuloy ang Black Friday Protest sapagkat ayaw natin ng Just-Tiis laban sa korap at mapagmalabis ...
-
Sa pumasang 5,594 sa bar exam, KATARUNGAN KAYA'Y MAKAKAMIT NA? "At ang hustisya ay para lang sa mayaman..." - mula sa awiting ...
-
nakakatuwa man ang pure math tulad ng paglaro ng sudoku, ang applied math ang maraming pangako minsan, may ekwasyong lulutasing di ka susu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento