Biyernes, Pebrero 12, 2021

Ang natatanaw sa malayo

Ang natatanaw sa malayo

mababago nga ba ang mundo
sa lungsod ng mga pangako
at paano kung napapako
tulad ng asal ng hunyango

nagbabago-bago ang himig
ng awit ng saya't ligalig
tila inagawan ng tinig
ang dukhang walang makaibig

sa malayo'y nakita kita
lulugo-lugo't walang kita
parang laging butas ang bulsa
walang barya kahit sa blusa

marahang tanggalin ang hasang
ng hitong binaha sa parang

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Katahimikan

KATAHIMIKAN tahimik sa totoong kagubatan bagamat hayop ay nagbabangayan pagkat kapwa nila ay sinasagpang upang maging agahan o hapunan maing...