Linggo, Abril 18, 2021

Pagbabasa ng mga di karaniwan

PAGBABASA NG MGA DI KARANIWAN

minsan, dapat magbasa ng mga di karaniwan
sulating di pinag-aaralan sa paaralan
upang munting kaalaman ay sadyang madagdagan
lalo't kapitalismo'y namamayani sa bayan

anong klaseng lipunan ang namamayani ngayon
bakit may alipin, wala bang karapatan noon
bakit may pinagsasamantalahan hanggang ngayon
bakit may mayaman at dukha ay isyu na noon

dahil itim ang kulay ay bakit inalipin na
bakit nakatali na sa lupa ang magsasaka
paano nga ba nambusabos ang kapitalista
bakit uring obrero ang babago sa sistema

anong kasaysayan ng pagkaroon ng estado
o bansa o lahi o teritoryo o gobyerno
bakit nahukay ay buto ng sinaunang tao
pag-aralan ang lipunan, kasaysayan ng mundo

dapat ding aralin ang sinaunang kasaysayan
at bakasakaling magamit sa kasalukuan
upang mawala ang pagsasamantala't kaapihan
o kaya'y maitayo ang makataong lipunan

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Palaisipan at payo

PALAISIPAN AT PAYO lahat ng problema'y may kasagutan kumbaga sa tanong, sinasagutan tulad din ng mga palaisipan salita'y hanapin ang...