BAWAL MAGYOSI
"Saan ang smoking area n'yo dito?" kanyang tanong
"Doon ho! Mga limang milya mula dito!" tugon
sa kanya ng manang, gayong magpapaputok doon
upang salubungin ang palapit na Bagong Taon
kaygandang bungad, bawal doon ang manigarilyo
kung nais mong magyosi, limang milya'y lakarin mo
tila ba environmentalist ang manang na ito
kapuri-puri rin ang komiks sa mensahe nito
paano kung may yosi'y may labintador na tangan
kunwa'y magyoyosi, paputok pala'y sisindihan
baka makadisgrasya pa't daliri'y maputukan
mabuti na lang at alisto ang matandang manang
nawa'y alagaan pa rin ang kalikasan natin
pati daliri ng mga bata'y alagaan din
pag nawalan ng daliri'y habambuhay dadalhin
ng maputukan, pagsisisi'y nasa huli man din
- gregoriovbituinjr.
12.31.2021
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento