Miyerkules, Pebrero 8, 2023

Almusal

ALMUSAL

tara nang kumain, kaibigan
ako naman ay iyong saluhan
at mainit-init pa sa tiyan

tarang kumain bago umalis
patungo sa papasukang opis
mahirap nang sa gutom magtiis

gaano man kasimple ang ulam
sa gutom nama'y nakakaparam
at sikmura'y di basta kakalam

pagkaing karaniwan at payak
nang di naman gumapang sa lusak
pag nabusog pa'y iindak-indak

huwag magpakagutom - ang payo
nang di makadama ng siphayo

- gregoriovbituinjr.
02.08.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagsusunog ng kilay

PAGSUSUNOG NG KILAY "The first duty of a revolutionary is to be educated." ~ Che Guevara nagsusunog pa rin nitong kilay upang pags...