Huwebes, Mayo 4, 2023

Ang kuting na antukin

ANG KUTING NA ANTUKIN

sa limang kuting, siya ang antukin
pag naglalaro ang mga kapatid
ay sasabayan niya ng paghimbing
buti't gawi niya'y aking nabatid

na maganda para sa kalusugan
lalo't mga bata pa naman sila
aba'y wala pa nga silang sambuwan
subalit pawang naglilimayon na

subalit antukin talaga ito
matutulog na pagsapit ng hapon
e, kasi naman, ora-de-peligro
kaya kauna-unawa na iyon

O, kuting, ako rin ay inaantok
kaya sasabayan kitang matulog

- gregoriovbituinjr.
05.04.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa dyip

SA DYIP ‎ ‎kapag nagbayad ako ng bente ‎imbes ang sukli ko ay siyete ‎susuklian ako ng nuwebe ‎dapat pamasahe ko ay trese ‎akala senyor na k...