Martes, Mayo 2, 2023

Mabuhay ang pagkakaisa ng uri


MABUHAY ANG PAGKAKAISA NG URI

mabuhay ang pagsasama-sama ngayon
ng apat na malalaking pederasyon
sa ilalim ng All Philippine Trade Unions

makasaysayang Araw ng Mayo Uno
ng uring manggagawa, taas-kamao
kaming bumabati sa lahat sa inyo

ito nga'y panibagong pagkakaisa
magkauri bagamat magkakaiba
nagkaunawa bilang uri talaga

sana, pagkakaisa'y magtuloy-tuloy
bilang uri, wala nang paligoy-ligoy
parang uhay ng palay na sumusuloy

mabuhay kayo, O, Uring Manggagawa!
pagpupugay sa Hukbong Mapagpalaya!

- gregoriovbituinjr.
05.02.2023

* litratong kuha ng makatang gala sa Mendiola, Mayo Uno, 2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga natanggap na ecobag sa nadaluhang pagtitipon

MGA NATANGGAP NA ECOBAG SA NADALUHANG PAGTITIPON Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa loob lang ng wala pang isang buwan a...