Sabado, Mayo 13, 2023

Tahong

TAHONG

kaysarap naman ng kanyang tahong
na niluto, napakalinamnam
tagos sa puso, wala nang tanong
kung paano nilutong kay-inam

tiyak ako'y mabubusog muli
sa nilatag sa hapag-kainan
masarap na naman ang tanghali
at kami rito'y magkakainan

wala akong masabi sa luto
na tanging makakapagsalita
ay gutom na tiyang nasiphayo
at itong lalamunan at dila

salamat talaga sa tahong mo
sadyang malasa nang kinain ko

- gregoriovbituinjr.
05.13.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bagong higaan ni Alaga

BAGONG HIGAAN NI ALAGA ibinili ni misis ng higaan si Alaga upang maging maalwan ang kanyang pagtulog at pahingahan at di sa sahig, o kung sa...