Miyerkules, Setyembre 20, 2023

Nang matalo sa alamat

NANG MATALO SA ALAMAT

"Nothing wrong with losing to a legend." - Thurman

isa iyong kaygandang komento
kaya ako sa kanya'y saludo
nagpakatotoo ang natalo
noong una'y di matanggap ito

kapwa boksingero silang sikat
subalit bangko'y di na binuhat
nagpakumbaba nang madalumat
na tumalo sa kanya'y alamat

sa una'y kay-angas magsalita
na di maitikom ang bunganga
tila sinisilihan ang dila
hanggang naglabanan silang sadya

wala pang talo sa rekord niya
hanggang nagsagupa na talaga
sa unang round, siya'y bumagsak na
nakatayo, tuloy ang giyera

nang matapos, sino ang nagwagi?
talo ang may maangas na labi
alamat ang sa kanya'y gumapi
na sa walong dibisyon naghari

- gregoriovbituinjr.
09.20.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pasaring

PASARING may pasaring muli ang komikero hinggil sa senaTONG na nakakulong di raw magtatagal sa kalaboso dahil sa kaytinding agimat niyon aba...