Miyerkules, Disyembre 6, 2023

Hindi ka mawawaglit

HINDI KA MAWAWAGLIT

hindi ka mawawala
sa aking mga tula
pagkat ikaw ang mutya
sa bawat kong adhika

sa mundong pinangarap
na ginhawa'y malasap
makaraos sa hirap
hustisya'y lumaganap

hindi ka mawawaglit
sa aking puso't isip
diwata kang marikit
sa aking panaginip

mundo'y kakathain ko
na magkasama tayo
kaytamis na totoo
nang ako'y tinanggap mo

- gregoriovbituinjr.
12.06.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kalye

KALYE kayraming tao sa kalye magtatahô, bumibili may batang hamog, pulubi may dumaraang dyip, kotse may tulad kong nagrarali may mga bata...