Biyernes, Enero 12, 2024

Bawat tula'y tulay sa paglaya

BAWAT TULA'Y TULAY SA PAGLAYA

tutulaan kita kahit himbing
o pag nananaginip ng gising
kumakatha habang naglalambing
sa banig man ay pabiling-biling

sasabihin ko sa iyong ganap
anong nasa kabila ng ulap
ano bang mga pinapangarap
nang buhay ay di aandap-andap

na parang kandilang nauupos
dahil sa mga pambubusabos
ng uring gahaman, tuso't bastos
na mapangmata sa dukha't kapos

bawat tula'y tulay sa paglaya
ng dalita't uring manggagawa
ito ang sa buhay ko'y adhika
bilang tibak at makatang gala

- gregoriovbituinjr.
01.12.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pang-14 na araw na namin sa ospital

PANG-14 NA ARAW NA NAMIN SA OSPITAL hanggang ngayon, nagbabantay pa sa ospital kay misis na nakaratay na ng matagal panglabing-apat na araw ...