Martes, Marso 12, 2024

Pagkatha

PAGKATHA

“Poetry lifts the veil from the hidden beauty of the world, and makes familiar objects be as if they were not familiar.” ~ ayon sa makatang Percy Bysshe Shelley

maraming paksang karaniwan
na binabalewala lamang
di pansin bakit naririyan
ang plastik na palutang-lutang

ano bang meron sa tinidor
kung wala ang ka-partner nito
anong wala sa forever more
sa Raven ni Edgar Allan Poe

anong meron sa bulsang butas
kundi gunita ng kahapon
bakit lagi kang lumalampas
sa bahay mong yari sa karton

bakit ka ba nakikibaka
dahil ba mayroong pangarap
na lipunan para sa masa
nang maibsan ang dusa't hirap

taasnoo tayong titindig
at haharapin ang panganib
tutulain ang nakabikig
upang guminhawa ang dibdib

- gregoriovbituinjr.
03.12.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paalam, Aegis Mercy Sunot

PAALAM, AEGIS MERCY SUNOT taginting ng boses mo'y nanunuot sa puso't diwa'y di nakababagot tinig mong kapanatagan ang dulot suba...