Biyernes, Mayo 31, 2024

Huling umaga ng Mayo 2024

HULING UMAGA NG MAYO 2024

ginising ako ng alarma
ng relo, umaga na pala
ang haring araw sa silangan
ay unti-unting nagpakita
tila baga nangungumusta

akong antok pa sa higaan
ay nag-inat na ng katawan
kaylamig pa upang maligo
hinanda muna ang agahan
pandesal at kape na naman

sa talakayan patutungo
sapagkat may isyung di biro
na dapat pag-usapan namin
baka bansa'y biglang gumuho
at kalayaan ay maglaho

kaylamig, ako'y nababahin
habang isyu'y dapat basahin
dapat handa sa sigwa't gera
bago pa sa baha lubugin
bago pa sa luha lunurin

- gregoriovbituinjr.
05.31.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pahimakas kay kasamang Rod

PAHIMAKAS KAY KASAMANG ROD (binigkas ng makatang gala sa pugay-parangal) sa iyo, kasama, pagpupugay sa pagpapatibay mo ng hanay sa adhikaing...