Lunes, Hulyo 1, 2024

Ang labandero

ANG LABANDERO

pag tambak na ang labada
gawain ko ang maglaba
damit ng anak, asawa,
damit ng buong pamilya

Perla ang gamit kong sabon
at wala nang Ajax ngayon
kaya tungkulin ko't layon
labhan ang suot kahapon

kukusutin ko ang kwelyo
ang kilikili't pundiyo
palo-palo pa'y gamit ko
nang malinisang totoo

mga suot kong pangrali
damit din ng estudyante
at ng asawang kaybuti
ay lalabhan kong maigi

ako'y isang labandero
eh, ano, lalaki ako
tulong na sa pamilya ko
lahat ng gawaing ito

nang walang tambak na damit
na suot paulit-ulit
labhan upang may magamit
sa pupuntahang malimit

- gregoriovbituinjr.
07.01.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tinatago ang suspek sa krimen?

TINATAGO ANG SUSPEK SA KRIMEN? anong klaseng dating pangulo ito't tinatago ang isang suspek sa krimen na animo'y naglaho suspek ay p...