Miyerkules, Hulyo 10, 2024

Pusang uhaw

PUSANG UHAW

alaga'y pansin kong sinisinok
na tila may kung anong nalunok
marahil ay di nakakainom
matapos na malutas ang gutom

sa lababo'y may tubig sa batya
kaya sumampa na si alaga
doon siya uminom, natighaw
ang dama niyang sinok at uhaw

sadyang mahirap na maramdaman
pusa'y sinisinok, o ako man
tulad ng mga uhaw na dukha
uhaw sa hustisyang di makapa

kailangan talaga ng tubig
upang lalamunan ay madilig
tubig man pag nasumpungang tunay
mahalaga nang pandugtong-buhay

- gregoriovbituinjr.
07.10.2024

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/te0kJX995j/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nasaan na si Mang Nilo?

NASAAN NA SI MANG NILO? kaytagal ko nang binabasa si Mang Nilo sa komiks niyang Bugoy sa isang diyaryo napansin ko na lang nawala ngang toto...