Miyerkules, Hulyo 3, 2024

Sapaw na okra

SAPAW NA OKRA

payak na pananghalian
sapaw na okra na naman
ay, mura lang kasi iyan
sangtali'y sampung piso lang

kamatis na paborito
ay nagmahal na ang presyo
bente ang tatlong piraso
higit sandaan ang kilo

kaya ngayon, okra muna
gulay itong mahalaga
mayroon nang bitamina
ay sadyang pampalusog pa

pangkontrol ng diabetes
at sa asukal na labis
panlaban din sa heart disease
pampaganda rin ng kutis

ganado akong kumain
pag ito ang uulamin
isapaw lang sa sinaing
hanggang mainin ang kanin

- gregoriovbituinjr.
07.03.2024

Pinaghalawan ng ilang datos:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang esensya ng buhay

ANG ESENSYA NG BUHAY anong esensya ng buhay? / bakit ako aktibista? ang pagpapayaman nga ba / sa buhay itong esensya? maging makapangyarihan...