Linggo, Hulyo 7, 2024

Tipanan

TIPANAN

deyt namin ni misis dahil anib
ng aming kasal, muling nagsanib
ang aming pusong talagang tigib
ng pagmamahal sa isang liblib

na milktea-han sa pusod ng lungsod
sa tambayang wala namang bakod
animo puso ko'y hinahagod
sa deyt na itong nakalulugod

ako ang taya sa Buy 1 Take 1
na milk tea kahit mumurahin man
ang halaga nitong pinagbilhan
kami'y napuno ng kagalakan

ito'y anibersaryong kaysaya
na sentro'y pag-ibig at pag-asa

- gregoriovbituinjr.
07.07.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Isa na namang mental health problem na krimen

ISA NA NAMANG MENTAL HEALTH PROBLEM NA KRIMEN ay, grabe talaga ang tampok na balita na krimen sa kapatid na nakababata kapatid na tatlong ta...