Martes, Setyembre 17, 2024

Pagsasamang maluwat

PAGSASAMANG MALUWAT

dapat ang pagsasama'y matibay
ito ang lagi kong naninilay
si Eros at Venus ba ang gabay
o mga magulang ang patnubay

dapat bang ang pag-ibig ay wagas
ang dapat ba'y tsokolate't rosas
o mas dapat unahin ang bigas
bilang tulay sa magandang bukas

pag-ibig ba'y pulos pulutgata
o mabubulaklak na salita
pagsinta ba'y idaan sa tula
o sa puso ng dinidiwata

madalas aking nadadalumat
iwing pagsinta'y lalaging tapat
ika nga, pagsasamang maluwat
ay dapat nang ipagpasalamat

- gregoriovbituinjr,
09.17.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pasaring

PASARING may pasaring muli ang komikero hinggil sa senaTONG na nakakulong di raw magtatagal sa kalaboso dahil sa kaytinding agimat niyon aba...