ANG MAKITA NG MAKATA
sa paligid ay kayraming paksa
samutsaring isyu, maralita,
dilag, binata, bata, matanda,
kalikasan, ulan, unos, baha
kahit mga karaniwang gawa
ng magsasaka at manggagawa
anumang makita ng makata
tiyak gagawan niya ng tula
tulad ng inibig niyang kusa
sinta, madla, tinubuang lupa
nasunugan, naapi, kawawa
tutula siyang puno ng sigla
pagkat buhay niya ang kumatha
at kakatha siyang buong laya
subalit di ang magpatirapa
sa mapang-api, tuso't kuhila
kung dapat, maghihimagsik sadya
upang hustisya'y kamtin ng madla
pluma niya'y laging nakahanda
maging ang katawan, puso't diwa
- gregoriovbituinjr.
11.30.2024
* kinatha sa ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres Bonifacio
When a comrade asked, "Leonidas, are you here to take such a hazardous risk with so few men against so many?" Leonidas replied: "If you men think that I rely on numbers, then all Greece is not sufficient, for it is but a small fraction of their numbers; but if on men's valor, then this number will do."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
O, dilag kong minumutya
O, DILAG KONG MINUMUTYA O, dilag ko't tanging minumutya akong sa labana'y laging handa daanan man ng maraming sigwa buhay ko'y i...
-
DI MAKAPUNTA SA BARAPTASAN iniiyakan ng loob kong di makararating sa BaRapTasan sa Luneta, ikatlo ng hapon sapagkat madaling araw pa lam...
-
Pinakapahinga ko sa trabaho ang pagtula pinakapahinga ko sa trabaho ang pagtula sa maghapong paggawa'y pahinga na ang pagkatha magninila...
-
Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsinta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento