Sabado, Nobyembre 9, 2024

Hemoglobin

HEMOGLOBIN

nang dinala ko na sa ospital si misis
mababa na pala ang kanyang hemoglobin
terminong iyon ay noon ko lang narinig
red blood cell na'y di makabigay ng oxygen

maraming terminong dapat kong matutunan
nang maunawaan ang mga kahulugan
terminong medikal na dapat kong malaman
upang si misis ay aking maalagaan

limang punto lamang ang hemoglobin niya
ang normal pala niyon ay labingdalawa
unang linggo pa lang, ilang bag ng dugo na
sa mga testing, nakitang anemic siya

at kagabi, muling sinalinan ng dugo
si misis, ako naman ay nakatalungko
ramdam ko ang kanyang pagdurusa't siphayo
minamasdan ko siya't talagang hapong-hapo

- gregoriovbituinjr.
11.09.2024

* litratong kuha sa ika-18 araw namin sa ospital

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tamâ na ang drama

TAMÀ NA ANG DRAMA nagiging swarswela na lang ba? at tadtad ng iskrip ang drama? na mapanagot ang buwaya? sana'y may maparusahan na! di l...