Miyerkules, Pebrero 26, 2025

Nilay sa pagbaka

NILAY SA PAGBAKA

nanilay ko bawat pakikibaka
bakit dapat baguhin ang sistema?
bakit igagalang ng bawat isa
ang pagkatao't dignidad ng kapwa?

ano ba ang pantaong karapatan?
ano iyang hustisyang panlipunan?
bakit mga ito'y ipaglalaban?
bakit ba pagbabago'y ating asam?

nakatingala muli sa kisame
habang may minumuni sa kukote
ano ang ating adhika't mensahe?
sa mundong sangkatutak ang salbahe?

pagbabago ng sistema'y di biro
kahit madalas ako'y hapong-hapo
tuloy ang pagkilos ng buong puso
nang lipunang makatao'y matayo

- gregoriovbituinjr.
02.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pasaring

PASARING may pasaring muli ang komikero hinggil sa senaTONG na nakakulong di raw magtatagal sa kalaboso dahil sa kaytinding agimat niyon aba...