AYAW MAGPLATO, TINANGAY ANG PAGKAIN
di sanay magplato si alaga
tinanggal pa niya sa lagayan
ang binigay kong ulo ng bangus
at kinain doon sa ilalim
ng traysikel ang handa sa kanya
buti naman, kahit papaano
ay nakakain siya't nabusog
pag siya'y lumapit na sa akin
ngumingiyaw habang nakatingin
at ikikiskis pa ang katawan
niya sa aking tuhod at hita
alam ko na ang aking gagawin
batid niyang may inihanda na
akong makabubusog sa kanya
- gregoriovbituinjr.
03.16.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1BbSygCVfE/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento