Lunes, Marso 31, 2025

Walang gutom ang Budol Gang

WALANG GUTOM ANG BUDOL GANG

ang budol ay
panloloko,
panlalansi,
panlilinlang

gamit nila'y 
anong tamis
maasukal
na salitâ

upang kunin
o nakawin
ang anumang
mayroon ka

paano kung
ninakawan
na'y ang kaban
nitong bayan

hay, ang masa
ang kawawa
panlolokong
di halatâ

mandaraya
walanghiya
budol-budol
tusong ulol

walang gutom
ang pusakal
bulsa't mukha'y
anong kapal

ingat kayo
sa budol gang
at labanan
ang budol gang

- gregoriovbituinjr.
03.31.2025

* batay sa ulat sa pahayagang People's Journal, Marso 31, 2025, tampok na balita (headline) at pahina 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pag-inom ng dyus na luyang dilaw

PAG-INOM NG DYUS NA LUYANG DILAW tuwing makalawa ng umaga umiinom ako ng salabat na luyang dilaw, di simpleng lúya kundi turmeric, na pampal...