Miyerkules, Mayo 28, 2025

Katáw

KATÁW

sa mga kwento'y mayroong katáw
na sa mitolohiya'y nahalaw
na kahulugan pala'y sirena
subalit di wangwang sa kalsada

babae ang bahaging itaas
na marahil kayganda't kaylakas
bahaging ibaba nama'y buntot
ng isda na animo'y kaylambot

katáw na isang bagong salitâ
sa akin, magagamit sa tulâ,
pabulâ, sanaysay, dagli, kwento
isama sa pagkatha sa mundo

mula wikang Sebwano't Aklanon
na mabuti ring magamit ngayon
salamat sa Salit-Salitaan
sa bigay na dagdag-kaalaman

- gregoriovbituinjr.
05.28.2025

* larawan mula sa kwfdiksiyonaryo.ph ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Balitang welga

BALITANG WELGA panig ba ng unyon ay naibulgar? o ng manedsment lang sa dyaryong Bulgar? nabayaran kaya ang pahayagan? upang nagwelgang unyon...