Linggo, Hunyo 29, 2025

Alapaap

ALAPAAP

kaybilis man nitong sasakyan
di matinag ang alapaap
sa kanyang kinatatayuan
subalit nais kong magagap
arukin ang kadahilanan
ng paghele ng mga ulap

parang kidlat ang kamatayan
na kinuha sa isang iglap
kanina'y kausap mo lamang
ngayon ay nawala nang ganap
sanaysay kong sinulat naman
ay kulang na sa pangungusap

- gregoriovbituinjr.
06.29.2025

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1HdNCfNGAo/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kasaysayan at lipunan ay pag-aralan

  KASAYSAYAN AT LIPUNAN AY PAG-ARALAN bayani nga'y nagbilin sa bayan: "matakot kayo sa kasaysayan walang lihim na di nabubunyag...