Linggo, Hulyo 13, 2025

Gulay sa pananghalian

GULAY SA PANANGHALIAN

kamatis, sibuyas, / bawang, okra, talong
anong sarap nitong / ating ulam ngayon
pagkat pampalakas / ng katawan iyon
tiyak maiibsan / ang nadamang gutom

tara nang mag-ulam / ng mga gulayin
iniluto upang / gumanang kumain
datapwat kayraming / mga iisipin
habang sumusubo / nagninilay pa rin

payak na almusal / at pananghalian
at pampatibay pa / ng mga kalamnan
tatatag din naman / ang puso't isipan
makatatagal pa / sa mga takbuhan

halina't kumain / nitong mga gulay
na kasangga upang / tumagal sa buhay

- gregoriovbituinjr.
07.13.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Basura

BASURA nang sumigaw ang maton sa daan ng  "Lumabas ang matapang diyan!" ginawa ng mga kapitbahay basura'y inilabas na tunay si...