Sabado, Hulyo 5, 2025

Tiyuhin pa ang nanggahasa

TIYUHIN PA ANG NANGGAHASA

di lang libog kundi mental problem?
kaya ni-reyp ang tatlong pamangkin
o marahil nakadroga man din
sa bawal na gamot ba'y alipin?

naibulgar ay kaytinding ulat 
tatlong totoy ang ni-reyp ni uncle
epekto raw ng marihuwana
kaya nagawa iyon ng suspek

pamangkin niya'y tatlong lalaki
ang akala ko'y pawang babae
statutory rape ang kinaso
kaya siya na'y kinalaboso

kahindik-hindik iyang balita
tatlong pamangkin ang ginahasa
sadyang walang budhi ang gumawa
na talaga ngang kahiya-hiya

- gregoriovbituinjr.
07.05.2025

* tampok na balita (headline) sa pahayagang Bulgar, Hulyo 5, 2025, at ulat sa pahina 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Planetang Biyo, ipinangalan sa Pinay na gurô

PLANETANG BIYO, IPINANGALAN SA PINAY NA GURÔ ‎ ‎ang Florian main-belt  asteroid 13241 Biyo  ‎na nadiskubre ng LINEAR sa Lincoln Lab's ET...