Miyerkules, Agosto 13, 2025

Kamatayan ng dalawang boksingero

KAMATAYAN NG DALAWANG BOKSINGERO

dalawang namatay na boksingerong Hapon
kapwa bente otso anyos ang mga iyon
ito'y sina super featherweight Shigetoshi
Kotari, lightweight Hiromasa Urakawa

ayon sa balita sa pahayagang Bulgar
kapwa lumaban sila noong Agosto Dos
nagka-brain injury ilang araw matapos
ang laban, naalarma ang Japanese boxing

pangyayaring ito'y agad pinag-usapan
pagkat nakababahala ang kaganapan
dehydration ang itinuturong dahilan
at ang mabilis na pagbabawas ng timbang

bawasan daw ang laban, ang naging posisyon,
sa Oriental and Pacific Federation
ngunit sapat kaya ito bilang solusyon
nang di maulit ang pagkamatay na iyon

- gregoriovbituinjr.
08.13.2025

- ulat mula sa pahayagang Bulgar, Agosto 13, 2025, p.11 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kamatayan ng dalawang boksingero

KAMATAYAN NG DALAWANG BOKSINGERO dalawang namatay na boksingerong Hapon kapwa bente otso anyos ang m ga iyon ito'y sina super   featherw...