Biyernes, Agosto 8, 2025

Kasaysayan ng broadsheet

KASAYSAYAN NG BROADSHEET

buwis daw noong unang panahon
ng diyaryo'y binabatay pala
ayon sa pamahalaang Briton
sa bilang ng kanilang pahina

laksang pahina, malaking buwis
at naisip ng nasa diyaryo
konting pahina, konti ring buwis
kaya pinalaki nila ito

buti sa Pilipinas, di ganyan
dahil tabloid pa rin ay kayrami
buting magbasa ng kasaysayan
kahit gaano tayo ka-busy

salamat sa historyang ganito
at ang kagaya kong manunulat
sa mga nabasa'y natututo
magbuklat, bulatlat, mamumulat

- gregoriovbituinjr.
08.08.2025

* ulat mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Hulyo 18, 2025, pahina 5

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Plastik at baha

PLASTIK AT BAHA kayraming plastik palang nagbabara na pinagtatapunan ng basura sa mga imburnal kaya may baha sa iba't ibang daluyan ng t...