Martes, Agosto 26, 2025

Salabat at pandesal

SALABAT AT PANDESAL

salabat at pandesal
sa umagang kayganda
kaysarap na almusal
at nakabubusog pa

kay-aga kong nagmulat
at nagtungong bakery
nag-init ng salabat
pandesal ay binili

ako lang ang kumain
mag-isang nag-agahan
mamaya'y susulatin
ko'y santula na naman

salamat sa salabat
pampaganda ng tinig
sa pandesal, salamat
pampagana ng tindig

- gregoriovbituinjr.
08.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang mga ibon ang lumilikha ng batas para sa mga isda

ANG MGA IBON ANG LUMILIKHA NG BATAS PARA SA MGA ISDA Ang mga ibon / ang lumilikha / ng batas para / sa mga isda. Iyan ay isang / katotohanan...