Martes, Setyembre 9, 2025

21 makasalanan / 21 kasalanan

21 MAKASALANAN / 21 KASALANAN

dalawampu't isang solon yaong pinangalanan
sa flood control scam ngayo'y iniimbestigahan
manyak na may dalawampu't isang kasong rape naman
ay nadakip matapos magtago ng ilang buwan
ah, walang forever, kahit may Forever Twenty-One

dalawampu't isang kongresman, ayon sa balita
ang sangkot sa anomalya ng flood control at sigwa
nakinabang habang masa'y dumaranas ng baha
buti ang mayamang kontraktor, sila'y itinuga
dapat lang managot ang napatunayang maysala

- gregoriovbituinjr.
09.09.2025

* ulat mula sa pahayagang Remate, Setyembre 9,2025, tampok na balita (headline) at pahina 2 at 3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Utang

UTANG di ko pa magamit ang pagsulat at pagsasalin upang kumita ng pera't makabayad ng utang na umabot ng milyon, saan ko iyon kukunin ti...