Linggo, Setyembre 7, 2025

Ingat sa daan

INGAT SA DAAN

naglalakad nang tulala madalas
buti't sa disgrasya'y nakaiiwas
at alisto pa rin sa nilalandas
sa pupuntaha'y di nakalalampas

tulala man itong abang makatâ
pagkat mahal na asawa'y nawalâ
lakad ng lakad, at kathâ ng kathâ
buti't sa daan, di nasusungabâ

kahit sa diskusyon, tulalâ minsan
diwa'y nawawalâ sa talakayan;
bilin sa tulalâ: ingat sa daan
baka madapâ, agad masugatan

buti't ang makata'y di naliligaw
sa baku-bako pa'y nakalalaktaw
sabit sa dyip, buti't di nakabitaw
kundi'y sariling mundo'y magugunaw

- gregoriovbituinjr.
09.07.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ayaw natin sa lesser of two evils

AYAW NATIN SA LESSER OF TWO EVILS bakit papipiliin ang bayan sa sabi nga'y  "Lesser of Two Evils" isa ba sa dalawang demonyo a...