Lunes, Oktubre 13, 2025

Paalala sakaling magkalindol

PAALALA SAKALING MAGKALINDOL

naglindol, kayâ payò ng mga kasama
ay huwag manatili sa mga gusaling
gawa ng DPWH at kontraktor
at baka mabagsakan ng kanilang gawâ

dahil sa mga ghost project ng flood control
dahil patuloy pa ring bahâ sa Bulacan
dahil sa korapsyon sa DPWH
wala nang tiwalà ang bayan sa kanila

baka nga pulos substandard na materyales
ang ginamit dahil kinurakot ang pondo
ng bayan, ibinulsa ng mga buwaya
kaya materyales talaga'y mahuhunâ

katiwalian nila'y parang tubig bahâ
hahanap at hahanap ng mapupuntahan
habang ang masa naman ay nakatungangà
walang ginagawâ, hay, walang ginagawâ

Oktubre na, wala pang nakulong na corrupt!
nganga pa rin ba pag dumating ang The Big One?
ikulong na ang mga kurakot! ikulong!
kung maaari lang, bitayin sila ngayon!

- gregoriovbituinjr.
10.13.2025

* litrato mula sa kinasapiang messenger group

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paalala sakaling magkalindol

PAALALA SAKALING MAGKALINDOL naglindol, kayâ payò ng mga kasama ay huwag manatili sa mga gusaling gawa ng DPWH at kontraktor at baka mabagsa...