Sabado, Oktubre 25, 2025

Thermopylae - sa tarangkahan ng apoy

THERMOPYLAE - SA TARANGKAHAN NG APOY

noon, nakipagdigmaan kami
sa tarangkahan ng apoy, sabi
nila'y iyon daw ang Thermopylae
doon buhay nami'y nakaugnay

kabilang ako sa tatlong daang
mandirigmang tawag ay Spartan
sa matinding labanan bumagsak
upang pasibulin ang pinitak

sa lupaing ayaw na isukò
sa kaaway, dumanak ma'y dugô
lumaban at hinawan ang landas
tungò sa isang malayang bukas

kami ang mandirigma ng apoy
muling lalaban kaysa managhoy
para sa kapakanan ng lahi
para sa kagalingan ng uri

sa makabago mang Thermopylae
Eurytus akong lalabang tunay
upang palayain itong bayan
sa mapagsamantalang iilan

- gregoriovbituinjr.
10.25.2025

* mapa ng Thermopylae mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Thermopylae - sa tarangkahan ng apoy

THERMOPYLAE - SA TARANGKAHAN NG APOY noon, nakipagdigmaan kami sa tarangkahan ng apoy, sabi nila'y iyon daw ang Thermopylae doon buhay n...