Sabado, Nobyembre 22, 2025

Sa Ngalan Ng Tula (ngayong National Poetry Day 2025)

SA NGALAN NG TULA (ngayong National Poetry Day 2025)

ngayong National Poetry Day, tula'y bibigkasin
sa pagtitipon ng kabataang kasama natin
o kaya'y sa pagtitipon ng mga maralita
sa isang komunidad, ngunit konsyerto na'y wala

kasabay ng bertdey ni Jose Corazon de Jesus
unang hari ng Balagtasan, kayhusay na lubos
tema ngayon: "Tula't Tuligsâ Laban sa Korapsyon"
pumapaksa sa mga pulitikong mandarambong

tuligsa laban sa buwayang walang kabusugan
mga kontraktor, senador, konggresistang kawatan
dahil sa bahâ, nabisto ang isyung ghost flood control
na pondo ng bayan ay sa pansarili ginugol

ng mga lingkod bayang buwis nati'y binuriki
ng mga dinastiyang di na dapat manatili
anang makatâ: parusahan ang lahat ng buktot!
sigaw ng masa: ikulong na 'yang mga kurakot!

- gregoriovbituinjr.
11.22.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa Ngalan Ng Tula (ngayong National Poetry Day 2025)

SA NGALAN NG TULA (ngayong National Poetry Day 2025) ngayong  National Poetry Day , tula'y bibigkasin sa pagtitipon ng kabataang kasama ...