Martes, Nobyembre 4, 2025

Tibuyô

ANG IKATLO KONG TIBUYÔ

natutunan ko kay Itay
ang magtipid sa tibuyô
isang aral iyong tunay
sa puso't diwa'y lumagô

maganda muling simulan
ang magtipid sa tibuyô
sampung piso lang ang laman
na balang araw, lalagô

ikatlo ito sa akin
una'y nasa isang bahay
nasa tatlong libo na rin
nang mapunô iyong tunay

ang ikalawa'y nawalâ
nasa dalawang libo na
noong bahay ay ginawâ
umuwi ako'y walâ na

sana, ikatlong tibuyô
ay mapunô ko ng barya
bente pesos, tigsasampû
tiyagâ lamang talaga

- gregoriovbituinjr.
11.04.2025

* tibuyô - salitang Batangas sa Kastilang alkansya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tibuyô

ANG IKATLO KONG TIBUYÔ natutunan ko kay Itay ang magtipid sa tibuyô isang aral iyong tunay sa puso't diwa'y lumagô maganda muling si...