TRAYSIKEL 349 AT PEPSI 349
muling pumasok sa diwa ang Pepsi Cola
dahil sa traysikel na nasakyan kanina
number three-four-nine ang nagpasikat sa Pepsi
nanalong milyong piso noon ay kayrami
oo, number three-four-nine ay talagang sikat
kaya Pepsi'y di na tinangkilik ng lahat
numerong tinayaan din daw sa huweteng
tres-kuwarenta'y nuwebe, numerong winning
three-four-nine, numerong nagpabagsak talaga
sa kumpanyang dating sikat, ngayon wala na
bihira nang makita ang Pepsi sa bansâ
wala na kasing bumibili, parang sumpâ
tila sabayang binoykot ng mga Pinoy
ang produktong tila sabayan ding tinaboy
pasensya po't nakwento ang Pepsi three-four-nine
dahil sa traysikel na numero three-four-nine
- gregoriovbituinjr.
11.07.2025
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/reel/863586356089042

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento