KAYRAMI PALANG SEARCH ENGINE
natutunan ko sa isang palaisipan
na sa internet pala'y kayraming search engine
lalo't mananaliksik kang may hinahanap
mga impormasyong dapat mabasa man din
nariyan ang Rambler, Infospace, Blekko, Yahoo,
Altavista, Gigablast, Webopedia, Blingo,
Yandex, Google, Dogpile, Naver, Lycos, Otalo,
Excite, Hotbot, Mamma, Yippy, Iwon, Mahalo
samutsaring makina sa pananaliksik
Yahoo at Google lang ang madalas kong gamit
ang iba'y susubukan kong may pagkasabik
lalo't may hinahanap ako't hinihirit
salamat at may Word Search o Hanap Salità
at ganitong datos ay nahanap kong biglâ
- gregoriovbituinjr.
12.27.2025

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento