ANO BA ANG M.U.?
Ano ba ang MU? Malagong Ubasan?
Matinding Upakan? Madugo't Ubusan?
Mabilis Utuin? Madaling Utakan?
Makislap ang Ulo? Malaki ang Unan?
Mabuti't Umubra? Mahirap Umamo?
Makibaka'y Una? Makaiskor: Uno?
Madalas Umulit? Masasal ang Ubo?
Masiglang Umupo? Mag-Utos sa iyo?
O nasa Manila University ka,
O ito'y Malabon University ba?
O kaya'y Makati University na!
At mas matindi'y Miss Universe pa!
Bakit kailangan ang makipag-MU?
Makikipag-Ugnay sa ano bang isyu?
Mutual Understanding, sabi ng biyudo.
Matinong Usapan? Aba'y Maki-Uso!
- gregoriovbituinjr.
08.30.2026

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento