Biyernes, Setyembre 18, 2026

Anagram ang pen name

ANAGRAM ANG PEN NAME
‎
‎ang dalawang / may-akda kong / napipisil
‎ay may mga / ngalang gamit / na pampluma
‎si Marcelo / H. Del Pilar / ay Plaridel
‎si Virgilio / H. Almario'y / Rio Alma
‎
‎ngunit tingnan / saan pen name / nila'y mulâ
‎letra niyong / apelyido'y / pinagrambol
‎paano ba / naisipan / ang ginawà
‎upang gayong / ngalan nila / ang ihatol
‎
‎sinong sikat / pang may-akda / yaong ganyan
‎wala yata, / ngunit aking / igigiit
‎si W. / B. Yeats: Best Way / ang anagram
‎T. S. Eliot / nama'y Toilets, / anong sakit
‎
‎- gregoriovbituinjr.
09.18.2026

* mga litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Trapo at basahan

TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...