Sabado, Marso 21, 2020

Tula sa World Forestry Day


TULA SA WORLD FORESTRY DAY

World Forestry Day ang bunying araw ng kagubatan
Oo, ang pangangalaga nito'y pananagutan
Ramdam mo ba bakit mga puno'y sinusugatan?
Lalo't kaylaki ng silbi nito sa sambayanan...
Dahil pagkasira nito'y may epekto sa atin
Forest o gubat, ito'y pagnilayan nang masinsin
O suriin bakit ito'y dapat mahalagahin
Rinig mo ba ang tibok ng gubat sa bayan natin?
Estado nito'y nakakalbo, ano bang nangyari?
Sakim ay ginawang troso ang puno't pinagbili
Tinagpas ang puno nang magkapera ang salbahe
Rinagasa ang pagputol, di ako mapakali.
Yumayanig sa puso pag gubat na'y winawarat
Dahil karugtong ng buhay ang ating mga gubat
Ah, gubat na'y alagaan ng buong pag-iingat
Yamang ito'y yaman ng bayang protektahan dapat.
- gregbituinjr.
03.21.2020

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

O, dilag kong minumutya

O, DILAG KONG MINUMUTYA O, dilag ko't tanging minumutya akong sa labana'y laging handa daanan man ng maraming sigwa buhay ko'y i...