Biyernes, Abril 9, 2021

Haka sa isang spiderman

HAKA SA ISANG SPIDERMAN

nakakita na naman
ng isang Spiderman
sapantaha ko lamang
baka akyat-bahay gang

buti't wala pang krimen
di pa siya salarin
anong daling pasukin
buti't bantay ko pa rin

mababa lang ang pader
makukuha'y kompyuter
kaya mag-ingat, aber
dahil baka ma-murder

ako'y nagpakita nga
nagluto sa kusina
buti na'ng laging handa
anuman ang magbadya

kaya laging mag-ingat
mahirap makalingat
lalo't baka masilat
sa aktong di masukat

- gregoriovbituinjr

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang manunulat ng mga artikulo sa pahayagan habang naglaho na ang mga puno't walang nakikinig - salin ng tula ni Dalia Taha

ANG MANUNULAT NG MGA ARTIKULO SA PAHAYAGAN  HABANG NAGLAHO NA ANG MGA PUNO'T WALANG NAKIKINIG Tula ni Dalia Taha Isinalin sa Ingles ni L...