Biyernes, Abril 9, 2021

Pinaghalong itlog at zucchini

PINAGHALONG ITLOG AT ZUCCHINI

itlog at zucchini'y pinaghalo
kaysarap naman ng aking luto
almusal muna nang di maglaho
ang tamis ng lutong may pagsuyo

ang zucchini'y padala ni misis
kasama ng maraming kamatis
tila pipinong may ibang bihis
ang zucchining tikman mo't kaytamis

maraming salamat sa zucchini
may pagkain sa araw at gabi
meryenda na ring nakawiwili
habang nakatitig sa kisame

nakakasulat, may inspirasyon
nakakatula, may nalalamon
habang sinusuri ang maghapon
upang maharap ang bagong hamon

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pinagkakakitaan at ang iniwang sanggol

PINAGKAKAKITAAN AT ANG INIWANG SANGGOL tatlong ulat ng sanggol na nasa diyaryo ang napabalitang nasagip, nailigtas sa iba't ibang lugar ...